China-ASEAN Media Journey, nagsimula sa Hunan

April 20, 2017

Sinimulan Martes, April 18, sa Lunsod ng Changsha ng lalawigang Hunan sa dakong gitna ng Tsina ang 2017 China-ASEAN Media Journey on the 21st Century Maritime Silk Road. 


Bumibisita ang delegasyon sa SANY Group Co. Ltd.



Bumibisita ang delegasyon sa SANY Group Co. Ltd.


Bumibisita ang delegasyon sa SANY Group Co. Ltd.


Kabilang sa delegasyon ng media ay sina Kristina Juan, Executive Producer/Writer/Reporter ng People's Television Network (PTV); Boncan Miriniza, Senior News Editor ng Philippine Broadcasting Service (PBS); Hilario Ernesto, Columnist ng Business Mirror, kasama ang mga mamamahayag mula sa Borneo Bulletin Daily ng Brunei; Khmer Times ng Cambodia; DETIKCOM at Bisnis Indonesia Manado branch ng Indonesia; National Television at Vientiane Times ng Laos; China Press at National News Agency ng Malaysia; Mirror Daily ng Myanmar; Lianhe Zaobao at Mediacorp PTE LTD ng Singapore; Thairath Newspaper at Thairath TV ng Thailand; Investment Review at Economic Times ng Vietnam; at China Radio International ng Tsina. 


Bumibisita ang delegasyon sa Leopard Automobile Co. Ltd.



Bumibisita ang delegasyon sa Leopard Automobile Co. Ltd.



Bumibisita ang delegasyon sa Sunward Group



Bumibisita ang delegasyon sa Sunward Group



Bumibisita ang delegasyon sa Sunward Group


Sa unang araw ng nasabing biyahe, bumisita ang mga mamamahayag sa SANY Group Co. Ltd., Leopard Automobile Co. Ltd., at Sunward Group para malaman ang pagtutulungan at pamumuhunan sa pagitan ng mga bahay-kalakal ng Hunan at ASEAN. 


Bumibisita ang delegasyon sa Hunan Broadcasting System


Bumibisita ang delegasyon sa Hunan Broadcasting System


Bukod dito, bumisita ang delegasyon sa Hunan Broadcasting System para talakayin ang pagpapalalim ng pagtutulungan at pagpapalitan ng mga media ng Tsina at ASEAN. 


Ang nasabing biyahe ay tatagal hanggang ika-27 ng buwang ito. Sa darating na mga araw, bibista rin ang delegasyon sa lunsod ng Zhuzhou at Xiangtan ng lalawigang Hunan at lunsod ng Nanchang, Jiujiang, Jingdezhen, at Wuyuan ng lalawigang Jiangxi. 


Ang aktibidad na ito ay nasa pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at ASEAN-China Centre (ACC), at sa suporta ng mga counterpart mula sa ASEAN. Layon nitong pasulungin ang pagkakaunawaan ng mga media ng ASEAN at Tsina hinggil sa magkakasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road. Ang Belt and Road Initiative ay pinaikling termino ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Ang inisyatibang ito na inilunsad ng Tsina ay nagtatampok sa magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagbabahaginan ng lahat ng mga may kinalamang bansa. 


Ulat: Ernest 

Larawan: Ernest 

Edit: Jade/Rhio 

Web editor: Lito


Construction Machinery Online

Language Options

E-Mail: alina@global-ce.com TEL: 0086-10-84673349,18701576687
lmjx.net Site: International - China - U.S.A - Russia - France - Spain - Portugal - India - Germany - Saudi Arabia - Indonesia

Copyright Notice 2002-2024 global-ce.com Construction Machinery Online. All rights reserved.

Address: Room 901, Building C, Ruipu Mansion, Hongjunying South Road No.15, Chaoyang District, Beijing.100107 P.R.China